Sa mga Minamahal kong Kasamahan sa Propesyong ito:
Malugod ko pong inaanyayahan ang bawat isa sa inyong mga lisensyadong myembro ng Philippine Librarians Association Inc. o PLAI na kung maari ay atin pong bigyang pansin ang panawagan ng ating pamunuan na kung maari po ay magbayad na po tayo ng membership fee bilang miyembro ng ating asosasyon.
Minarapat ko pong ibahagi sa inyo ang ilang mga issue na kailangan po nating harapin dahil lahat po tayo ay may kinalaman dito. Una, ang PLAI bilang natatanging Accredited Professional Organization (APO) sa lahat ng Library association ay mag e-expire na po. At upang maipagpatuloy po ito, kailangan ng humigit kumulang 3200 (approximate) na listahan ng paying members ng lahat ng lisensyadong librarian sa buong bansa. Sa ngayon, mayroon pa lamang 1000 plus ang nagbayad ng kaukulang membership fee. Ayon po sa aming natalakay nuong last quarterly meeting ng PLAI sa main office nito sa National Library nuong March 18, 2011, kailangan ng agarang pagbibigay pansin ng bawat isa sa atin bilang miyembro ng PLAI. Kaya hinihikayat ko po ang bawat isa na nawa ay bigyan niyo ng pansin ang issue na ito. Bilang miyembro, mayroon tayong Moral Obligation sa ating association.
Alam ko na may mga kakulangan marahil ang ating asosasyon subalit hindi nawa magsilbing balakid ito upang tayo'y magmalasakit sa mahal nating PLAI. Ito po ang tamang panahon upang tulong-tulong tayong pagbutihin pa ang mga proyekto at ipatupad ng maayos ang layunin ng ating asosasyon. Magtulungan po tayo upang mapabuti pa ang serbisyo at madama natin ang presensya ng ating asosasyon. Hindi po namin magagawa na mga opisyal ang lahat ng mithiin ng bagong pamunuan ng PLAI kung wala po ang inyong suporta at pang-unawa.
Sa mga gusto pong magbayad ng membership fee, maaari po kayong dumulog sa mga Regional Council Officers sa inyong lugar. Kahit nasaan po kayo ay maari ng tanggapin ang inyong mga bayad sa kahit kaninong opisyal ng regional council sa inyong lugar. Huwag po ninyong kalimutang humingi ng inyong resibo.
Sa ngayon, ang National Board of Trustees (NBOT) ng PLAI ay kasalukuyang inaayos ang ating Identification Card (ID) upang maibigay ito sa bawat miyembro. Nawa'y samahan niyo kami sa pananalangin upang magampanan namin ang aming tungkulin ng maayos. Higit sa lahat, ang inyong suporta ang pang-unawa. Marami pang dapat gawin sa ating asosasyon at nawa, magtulungan po tayong lahat. Huwag na nating hanapin kung anung ginagawa ng asosasyon para sa atin, bagkus, isipin po natin ang magagawa natin para sa ating asosasyon.
Kailang po atin ang isa't isa para sa PLAI. Kung mayroon po kayong mga suhestiyon at issue na gustong ipaabot sa amin, i-email nyo lng po ako sa uslt_dol@yahoo.com o magtanong sa mga Regional Council Officers sa inyong lugar.
Maraming Salapat po!
Lubos na gumagalang sa inyo,
MICHAEL A. PINTO
House of Delegates Chairman - PLAI

1 comment:
Suggestion: Maybe we can provide a list of all the Treasurers of the Regional Councils together with their contacts (email or phone numbers) and if there is any bank account number members can deposit their membership fee then provide a means to send the Official Receipt to the members. In this way, many of us will be encouraged to pay our annual membership fee! Kudos to all of you! God bless!
Post a Comment